Sunday, January 29, 2006
PLEASE READ THIS, AND TELL YOUR FRIENDS ABOUT IT


Panawagan sa lahat ng tumatangkilik sa KARAKUCH:

Kahapon, January 28, 2006 may nangyaring di pagkakasundo sa pagitan ng aking kaibigan na si Gec at sa may-ari ng Karakuch. Mga bandang 12 ng tanghali, pumunta si Gec at ilan pa naming mga ka-batch sa Karakuch para mananghalian. May Iliad practice kasi ang Sandiwa sa school at lunch break nila noon. Tulad ng inaasahan, maraming kumakain sa Karakuch sa mga oras na iyon. Nag-order si Gec ng Pepsi twist, Tapsilog, Vcut at French fries sa mismong may-ari ng tindahan. Matagal na kameng suki sa Karakuch at alam namen na kinukuha nila ang bayad bago pa man ibigay sa iyo ang kabuuan ng order mo. Sa kaso ni Gec, siningil din siya ng may-ari bago binigay ang tapsilog at French fries. Pagkabigay nya ng bayad na P200, binigyan siya ng may-ari ng Vcut at Pepsi twist at number na nangangahulugang may hinihintay pa siyang order. Humigit kumulang P130 ang bill nya kaya may sukli pa siya dapat na mga P70. Binigay sa kanya ang tapsilog at French fries ngunit nakalimutan ibigay ang sukli at nakalimutan din kunin ni Gec. Sa dami siguro ng tao noon, pareho nilang nakalimutan. Mga 1 to 1:30, bumalik na sila sa practice. Lahat ng mga nagpapractice ay hindi pwede umalis basta-basta kaya nung maalala ni Gec yung sukli niya, hindi na niya ito nabalikan kaagad. 4:30 natapos ang practice kaya 4:30 na niya nabalikan yung sukli. Tinanong ni Gec yung mga Manang pero wala daw ang mga resibo sa kanila. Inakyat na daw nung may-ari sa bahay nila. Sinabi namin kay Gec na kausapin na lang yung may-ari para mas maliwanag. Nag-usap sila sa telepono. Sabi ng may-ari na may policy daw sila na ‘pag di daw nakuha yung sukli agad, wala na raw ‘yun. Bakit daw 4:30 binalikan. Sabi niya kay Gec na ayon daw sa resibo, hindi pa nga raw siya bayad. Naiinis si Gec dahil bukod sa pinapasikut-sikot siya ng may-ari ay ininsulto pa siya. Tingin niya siguro nag-iimbento lang kame. Bumaba yung may-ari pero sa bintana lang siya nakipag-usap. Pati kame naiinis na kaya tinulungan na namen makipag-usap si Gec. Pero walang nangyari, pinasikut-sikot din nya kame hanggang sa hindi na rin nagtutugma ang mga sinabi niya. Sabi pa niya na bata pa raw kasi kami kaya hindi namin naiintindihan. Hindi rin niya ibinigay yung sukli. Ano ba naman ang P70 sa mga binabayad namin sa mga overpriced nilang produkto?

Sa may-ari ng Karakuch, pasensya na po kung napagtaasan namin kayo ng boses at kung nababaan ng telepono. Alam namen na may kasalanan si Gec pero sana makita niyo rin po yung pagkakamali niyo. Hindi dahil bata kame ay hindi kame nakaiintindi ng mga ganoong bagay. Nabasa niyo na po ba yung Kabanata 15 ng EL FILIBUSTERISMO? Naaalala ko po kasi si Ginoong Pasta sa inyo. Kung may policies po ang tindahan ninyo, maaari po bang ipaalam ninyo sa mga customers. Siya nga po pala, hindi ba may policy din naman na THE CUSTOMER IS ALWAYS RIGHT? Hindi po namen gawain ang mag-imbento ng kwento para sa P70. Hindi mabibili ng pera ang

TRUTH in LOVE.

Sa mga ka-eskwela ko, kayo na bahalang humusga. Huwag niyong hayaang magyari sa inyo ito. Basta kame, alam naming hindi na mauulit sa amin to dahil hangga’t maaari, hindi na namen tatangkilikin ang tindahan iyon. BEH!! =p I love you Gec! =)

by alyakadabra at 11:24 AM

Comments: Post a Comment



say the magic words

archives

  • January 2005

  • February 2005

  • March 2005

  • April 2005

  • May 2005

  • June 2005

  • July 2005

  • August 2005

  • October 2005

  • November 2005

  • December 2005

  • January 2006

  • February 2006

  • March 2006

  • June 2006

  • July 2006

  • August 2006

  • October 2006

  • November 2006


  • previous posts



    links
    acy
    andy
    berna
    anj
    dichi
    dadine
    dom
    DOS
    kaye
    ki
    maiko
    nic
    nikko
    riri
    sammie

    links
    blogspot
    flickr
    friendster
    photobucket

    Free Website Counters
    Site Counter